May bagong option na naman ang Globe GFiber Prepaid Plans para sa mga naghahanap ng murang at contract-free na home internet.
Sa pinakabagong GFiber Prepaid offers ng telco, puwede na ngayon makakuha ng unlimited internet na may bilis hanggang 50Mbps for one year sa halagang ₱6,999. Kung tutuusin, lalabas na nasa ₱583 kada buwan lang ito, o halos ₱19 kada araw, kaya swak para sa mga ayaw ng mabigat na monthly bills.
Available pa rin ang mas mabilis na option ng Globe, kabilang ang 100Mbps annual prepaid plan na nagkakahalaga ng ₱9,999, para sa mga nangangailangan ng mas mataas na speed sa araw-araw na paggamit.
Para naman sa users na gusto ng mas mabilis na internet kahit panandalian lang, may 30-day GFiber Prepaid plan na umaabot sa 300Mbps sa presyong ₱1,499. Ang plan na ito ay bagay sa mga may work-from-home setup, online classes, o maraming sabay-sabay na naka-connect na devices sa bahay.
Ayon sa Globe May short-term option din para sa mas maiikling pangangailangan. Maaari pa ring mag-avail ng 7-day access pass na may hanggang 100Mbps speed for ₱399, na puwedeng gamitin kung kailangan lang ng internet para sa ilang araw.
Gaya ng ibang GFiber Prepaid plans, depende pa rin sa location ang availability ng serbisyo, at sakop ang lahat ng alok ng Fair Usage Policy ng Globe.
Sa pagdagdag ng mga bagong prepaid options na ito, mas maraming pagpipilian ang mga Pilipino pagdating sa home internet — lalo na para sa mga gustong iwasan ang long-term contracts at fixed monthly payments.
Para sa dagdag na impormasyon, Bisitahin ang kanilang Official Website: Globe GFiber Prepaid page
You may also like this: MariBank (SeaBank Rebrand) Review: A Honest Look at This Digital Bank for Filipinos






