May magandang balita para sa mga Metrobank users na madalas mag-transfer ng pera sa ibang bangko dahil ang Metrobank Instapay Fee ay bumaba na.
Simula February 1, ibinaba na ng Metrobank ang InstaPay transfer fee nito sa ₱8 per transaction para sa fund transfers papunta sa ibang banks. Dati, umaabot sa ₱25 ang singil kada InstaPay transfer.
Mananatiling walang bayad ang transfers sa pagitan ng mga Metrobank accounts, habang ang bagong ₱8 fee ay naa-apply sa mga InstaPay transactions gamit ang Metrobank app at online banking services.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtutok ng bangko sa mas abot-kayang digital banking, lalo na ngayong mas marami na ang umaasa sa online fund transfers para sa bills payments, allowances, at araw-araw na transactions.
Maaring Basahin din ang article na ito: MariBank (SeaBank Rebrand) Review: A Honest Look at This Digital Bank for Filipinos
Para sa mga regular na gumagamit ng InstaPay, malaking tipid ito kumpara sa dating singil — lalo na kung madalas magpadala ng pera sa iba’t ibang bangko.






